Ipinanganak at lumaki ako sa gitna ng Gitnang Silangan. Pinalaki ako sa paniniwalang walang Diyos, ngunit sa aking kabataan ako ay naging isang taimtim na Muslim. Itinuro sa akin na kamuhian ang mga Kristiyano at ang Kristo na pinaniniwalaan nila. Itinuro sa akin na ang mga infidels na ito ay marumi at naniniwala sa mga kasinungalingan. Umabot pa nga ako sa punto na kinasusuklaman ko ang lahat, pati ang sarili kong pamilya, na hindi sumunod sa Tuwid na Daan, ang tunay na relihiyon ng Diyos. Sa panahong ito ng kaguluhan at poot, isang gabi noong ako ay 17 taong gulang, nag-aaral ako para sa aking panghuling pagsusulit nang isang Lalaking nakaputi ang nagpakita sa akin. Nilagay Niya ang Kanyang braso sa aking balikat, sinabi Niya, “Ako ang Daan, Katotohanan at Buhay. Nais Kong sumunod ka at paglingkuran Ako. Madami kang problemang haharapin, pero kasama mo ako. Magkakaroon ka ng tagumpay sa Akin. Ikaw ay akin.” Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng kapayapaan na hindi ko pa naramdaman noon. Ako ay nasa presensya ng Kapayapaan Mismo.
Sino ang Lalaking ito na tinawag ang Kanyang sarili na Daan, Katotohanan, at Buhay? Hindi ko alam, kaya nagsimula akong maghanap ng mga sagot. Isang Kristiyano ang nagsabi sa akin na ito ang tawag ni Jesus sa kanyang sarili sa Bibliya, kaya humingi ako ng kopya ng Bibliya. Noong gabing iyon binasa ko ang buong Bagong Tipan nang dalawang beses hanggang sa wakas ay natagpuan ko ang Juan 14:6.
Pagkalipas ng dalawang araw, pinadalhan ako ng Diyos ng isang panaginip. Sa panaginip ako ay naglalakad sa isang kagubatan kasama ang isang grupo ng mga tao. Dumating kami sa isang madilim na lugar kung saan ang ilan sa iba ay natatakot na magpatuloy, ngunit sinabi kong itutuloy ko. Apat na beses itong inulit hanggang sa tuluyan na akong naglalakad mag-isa. Natapos ang kalsada sa isang maliit at sira-sirang bahay na may nag-iisang kandila sa loob. Pagpasok ko sa bahay, namatay ang ilaw. Lumuhod ako at pumikit. “Bakit?” Nagtanong ako.
Bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko. Pagmulat ng aking mga mata at pagtayo, nakita ko na ang lumang bahay ay naging bago at napuno ng liwanag. Ang parehong Lalaki ay nakatayo muli sa tabi ko. “Go,” sabi niya. “Wag kang mag-alala. Lagi kitang makakasama.”
Ito ay kung paano hinawakan ng Diyos ang aking buhay, at nararamdaman ko pa rin ang Kanyang kamay sa aking balikat araw-araw. Alam ko na Siya ay may plano at layunin para sa aking buhay, at sinusunod ko ang Kanyang mga hakbang at direksyon, ginagawa ang aking makakaya upang paglingkuran Siya.
Si Kristo lamang ang makapaglilinis ng ating mga puso at isipan ng poot at punuin sila ng bunga ng Espiritu, “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili” (Galacia 5:22-23). Inaanyayahan kita na sundin si Kristo at hayaan Siya na baguhin ka. Si Hesus ang tanging daan patungo sa Ama. “Sumagot si Jesus, ‘Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang makaparoroon sa Ama maliban sa pamamagitan ko.’” (Juan 14:6)